| Sa araw ng kahihiyan. |
Pero, ayun. Doon nagsimula ang kahihiyan nung natawag yung pangalan ko. Kasama raw ako sa top 10. Eh, ang masaklap, yung top 10 ay sasabak sa madugong question and answer portion. Nahihiya pa naman akong magsalita sa harap ng maraming tao, konti rin lang ung background ko tungkol sa UN dahil nga hindi na’ko nag-expect na makapasok.. So, ayun. Kinabahan na’ko. At ganun nga ang nangyari. Napahiya ako ng bonggang-bongga. Ang gaganda ng mga sagot nung iba, at ako ang last na tinanong. Pero nalaman ko na kung ano yung question ko, may listahan kasi ng mga tanong yung taong nagpabunot ng pangalan kung sino raw judge yung magtatanong saken. Ang question ko sana ay “It’s writren all over the headlines that the the government is having a conflict against the Muslims. The government is planning to have an all out war against them, what can you say about it?” Ay basta, parang ganun yung question. Eh ako naman, readyng ready na saking sagot. Na shock na lang akong bigla nang ang itinanong saken ay “Today, we are celebrating St. Jude Thaddeus’ fest day. St. Jude was known to be the Patron of the Desperate. St. Jude was also known to be the enemies of the powerful men in his country….blah…blah…blahh.” basta ang haba ng sinabi niya at hindi ko alam kung saan yung tanong doon. Eh, teka, diba UN month ang ipinagdiriwang? Ba’t ganun yung tanong niya? Ayun, kahihiyan to the max nung sinagot ko yung tanong. Di ko rin naintindihan yung tanong eh. Nagsisi ako, sana sinabihan ko yung judge na, “Excuse me ma’am, I think we’re talking about UN here and I think you’re question is far out. Thank You!” haha! Pero wala eh. Nalunod lang siguro ako sa kaba nun. Takot kaya ako sa mga tao. haha! At simula dun, napahiya na ako sa harap ng maraming tao sa paaralan. At hindi pa rin ako nakakarecover sa kahihiyang yun. First time ko kasing makasali ng contest na ganun eh. Argh! Bsta yun na yun. amfuchsia ‘diba? Lesson learned na nman. EXPECT THE UNEXPECTED. The End.
No comments:
Post a Comment